

USTCASC Staff
Mar 14, 2022
PANITIKANG TOMASINO, SANDIGAN NG MALAYANG TINIG AT HARAYA!
Ang ika-37 Gawad Ustetika ay tumatanggap na ng mga kalahok na akda. Ang mga kategoryang bilang ay: Tula, Poetry, Katha, Fiction, Sanaysay, Essay, at Dulang may isang yugto/One-act play.
Bukas ang timpalak sa lahat ng mag-aaral ng kolehiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas sa taong akademiko 2021-2022.
I-scan ang QR code upang matugunan ang Google form (https://bit.ly/varsitarian37ustetika) at ilakip ang mga sumusunod: kopya ng akda (MS Word format), kopya ng registration form ng kalahok at Certification of Originality na nilagdaan ng isang propesor sa Ingles o Filipino.
Tatanggap ang Varsitarian ng mga lahok na akda mula Ika-21 ng Pebrero, Lunes hanggang Ika-29 ng Abril, 2022, Biyernes. Para sa mga katanungan at iba pang detalye, padalhan ng mensahe o tawagan sina Bea Crucillo (0927 472 7480) at Jessica Asprer (0908 972 2620), o magpadala ng email sa ustetika@varsitarian.com.
